Abante Tonite Interactive

Irving, Horford, Celtics papayungan ni Turner

305

Bago ang season, isa sa paborito sa East ang Boston Celtics lalo’t tumawid na ng West si LeBron James.

Pero inalat ang Celtics sa dulo, kinailangan pang talunin ng dalawang beses ang Indiana – pareho pang sa final minutes ng laro – para selyuhan ang fourth seeding.

Tumapos ng 49-33 ang Boston, muli ay haharapin sa first round ng playoffs ang No. 5 Pacers (48-34).

Abante Hiring – IT dep

Lunes (araw sa Manila) ang umpisa ng series.

Sa kabuuan ng season, isang beses lang nasingitan ng Pacers ang Celtics sa apat na pagtatagpo.

Naselyuhan din ng Boston ang home-court advantage laban sa Pacers na nawalan ng best player nang magka-knee injury si Victor Oladipo, ang nag-iisang All-Star ng team.

Matibay ang depensa ng Indiana, sinusugod ang screens, harapan ang pagbabantay at may makalusot man ay bubulagain ni rim protector Miles Turner.

“We stay in front and play great team defense,” paliwanag ni Thaddeus Young. “Make sure when we’re sliding our feet we’re showing our hands to the point where we try to make it impossible to call fouls. We switch when it’s necessary.”

Si Turner ang NBA leading shot blocker ng season, kaya kampante ang mga kakampi.

“The biggest thing is we got (Turner),” dagdag ni Young. “He’s been blocking the hell out of some shots. That alters and changes everything.”

Mahusay ding one-on-one defenders sina Young, Wesley Matthews at Corey Joseph, hindi nawawala ang kontribusyon nina leading scorer Bojan Bogdanovic at Domantas Sabonis.

Sa kabila, si Al Horford ang quarterback ng depensa ng Celtics, may Kyrie Irving pa. (VE)