Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Irving laban-bawi sa Covid tweet

0 73

Kumambiyo si Kyrie Irving sa una niyang “mask off” tweet, todo-paliwanag na walang kinalaman ‘yun sa COVID-19 o protocols.

Ang unang tweet ng NBA at Brooklyn Nets star noong Miyerkoles:

“My mask is off. Now take yours off. No fear.”

Siyempre, ang mga nakabasa ay nakakonek agad sa Coronavirus Disease 2019.

Parang kinakampanya na ni Irving na huwag gumamit ng mask.

Kinabukasan, nag-tweet ulit ang guard para magpaliwanag.

“’Mask off’ means you stop being something you’re not and stip lying to yourself. It’s the moment you discover the real you and can walk around with NO FEAR in a society that shows a lot of the masks people wear to hide who they truly are,” aniya. “Nothing COVID rule-related! Relax.”

Marami ang nabahala, dahil malaking issue pa rin ang usapan sa pagsusuot ng mask. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.