Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Irving mailap sa media

0 259

Kahit mapagmulta pa, wala pang balak si Kyrie Irving na makipag-usap sa media.

Pinagmulta ng NBA si Irving at ang Nets ng tig-$25,000 (P2.5M total) dahil sa pang-iisnab ng star guard sa press sa media availability ng team noong nakaraan.

Nasa kontrata ng bawat player na obligasyon nilang makipag-usap sa media. Kung wala rin lang iniinda, required ang players na humarap sa reporters bago o pagkatapos ng games at practice. May isang araw ding inilalaan ang bawat team sa umpisa ng training camp para sa media.

Matapos lumabas ang fine, nagmatigas si Irving.

Tinapos ni Irving ang ikalawang statement niya sa linyang “I do not talk to Pawns. My attention is worth more.”

Sa halip na makipag-usap sa media noong Biyernes, nag-issue siya ng statement para sabihing gusto niyang iparating ang mensahe nang tama.

Sa pangalawang pahayag, may sundot pa.

“I pray we utilize the ‘fine money’ for the marginalized communities in need, especially seeing where our world is presently,” aniya.

“So stop distracting me and my team, and appreciate the Art.”

Pero sino’ng tinakot niya? Hangga’t iniisnab ang media availability, tuloy din ang bagsak ng multa. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.