Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Irving mainit sa Nets

0 68

Nagsalpak si Kyrie Irving ng 35 points para kalsuhan ang three-game losing streak ng Brooklyn Nets via 104-94 win kontra Indiana Pacers sa 2020-21 NBA regular season game sa Barclays Center sa New York Miyerkoles ng gabi.

May mahalagang 19 markers, 11 rebounds st five assists si James Harden para iakyat ang Nets sa 15-12 win-loss record, tinulak ang biktima sa 12-13.

Maagang nag-init ang opensa ng Brooklyn, humarurot agad sa 62-30 sa halftime at hindi na bumitaw. Naka-18 pts. si Domantas Sabonis para pangunahan ang Pacers. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.