Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Irving olats na, P2M pa multa

0 88

Mas mainit na pambubuska pa ang inaasahang ilalatag ng Celtics fans kay Kyrie Irving sa Game 2 ng kanilang 76th NBA Eastern Conference first-round playoffs ngayong araw sa Boston.

Napagmulta na Martes ang Brooklyn guard ng $50K (P2.6M) dahil sa pagmumura at pag-dirty finger sa crowd.

Nakunan ng camera ang pag-igkas ng daliri ni Irving sa third quarter ng 115-114 loss ng Nets noong Game 1.

Sa spinning layup ni Jayson Tatum, itinakas ng Celtics ang panalo na halos magpayanig sa TD Garden.

SM food to go Banner Ad

Tuwing hawak ang bola, hinaharana ng malakas na boos si Irving pero nag-top scorer pa rin sa Nets sa 39 points.

Wala raw isyu sa teammates ni Irving ang ginawa nito.

“Kyrie’s reaction was his reaction,” ani Kevin Durant. “We all stood behind that. I feel him, exactly what he said.”

Pagkatapos ng laro, sinabi ni Kyrie na sinagot niya lang ang pagmumura din sa kanya ng fans.

Nakadalawang seasons si Irving sa Boston bago tumawid sa Brooklyn sa free agency noong 2019. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.