Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Irving P19M kaltas sa bawat absent

0 76

Suportado ng Brooklyn Nets ang anumang desisyon ni Kyrie Irving hinggil sa anti-COVID-19 vaccine.

Si Kevin Durant, positibo na magiging bahagi pa rin ng team ngayong 2021-22 season si Irving.

“I’m envisioning Kyrie being a part of our team,” ani KD. “Maybe I’m just naïve, but that’s just how I feel. But everybody here has that confidence in themselves and our group, that if we keep doing it, we can do something special.”

Hindi makapag-praktis si Irving, hindi rin makakapaglaro sa home games dahil sa coronavirus protocols ng New York City. Absent na siya sa unang local training session ng Nets nitong Martes, via Ohm Youngmisuk ng ESPN.

Hindi sigurado ang team kung magpapabakuna pa si Irving.

“We support him. We are here for him,” giit ni coach Steve Nash.

Bawat home game na ililiban, kakaltasan si Irving ng $381,000 (P19M). Una ‘yun sa Sabado (araw sa Manila) sa home preseason game ng Nets laban sa Milwaukee Bucks. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.