Abante Tonite Interactive

Irving pasabog ng tres; Bucks nilupasay

By
231

Nagpaulan ng tres ang Boston Celtics para itumba ang huling unbeaten team sa NBA ngayong season, ang Milwaukee Bucks.

Naglista ang Celtics ng bagong franchise record na 24 3-pointers tungo sa 117-113 win Huwebes ng gabi.

“We got a lot of open looks. We were taking what they were giving us,” ani Gordon Hayward na may tatlong 3s tungo sa season-high 18. “Those are big shots for us.”

Namuno si Kyrie Irving sa Boston sa kinamadang 28 points na kinapalooban ng anim mula long range.

Binasag ng Celtics ang dati nilang franchise record na 19 3s, kinapos ng isa sa NBA record.

Umiskor din si Al Horford ng 18 mula apat na 3s, nakalimang buslo sa rainbow country si Marcus Morris tungo sa 17.

Balik sa lineup ng Bucks si Giannis Antetokounmpo mula concussion protocol at tumabo ng 33 points, 11 rebounds.

Pinangunahan ni Antetokounmpo ang Milwaukee sa 62-22 bentahe sa puntos mula sa paint, pero kinapos sa nagliliyab na outside shooting ng Boston.

Naiwan ng 15 ang Bucks papasok ng final quarter pero inumpisahan ang period sa 12-0 run at dumikit ng one point sa final minute bago kumapit ang Celtics tungo sa pang-apat na sunod na panalo.

Ang NBA record na 25 3-pointers sa isang laro ay nilista ng Cleveland kontra Atlanta noong March 4.