Abante Tonite Interactive

Irving tinuka ang Pelicans

0 99

Parang halimaw na nanalasa si Brandon Ingram at ang New Orleans Pelicans, pero sa dulo ay nakagawa ng paraan ang Brooklyn Nets para itakas ang panalo 135-125 Lunes nang gabi sa 74th NBA 2019-20 regular game.

“We took a combination, a haymaker, however you want to call it, couple left hooks in the jaw in the third quarter, and I thought in the fourth quarter we did a better job and slowed them down a little,” bulalas ni Brooklyn coach Kenny Atkinson.

Kumayod ng 39 points at 9 assists si Kyrie Irving sa Nets, naglista na ng 67 points sa halftime at hawak pa ang 20-point lead sa third pero hindi sumuko si Ingram.

Tumabo si Ingram ng 40 points mula 17 of 24 shooting, iginuhit din ng Pelicans ang franchise-record 48 points sa third. Dumikit sila sa dalawa sa final frame bago naubusan. (VE)

“I just felt like I was in rhythm,” ani Ingram. “Still missed some layups. Still missed some 3s. I could have (done) better.”

Nagdagdag si Caris LaVert ng 23 points, may 19 si Joe Harris at 18 points, 10 rebounds si Jarrett Allen sa Nets.

Nag-ambag ng tig-15 points sina Jrue Holiday at Lonzo Ball sa Pelicans, may 14 si Josh Hart.

Nagtuhog ng 14 points si Irving sa third, pero sumabay ang New Orleans sa 8 for 11 shooting mula 3-point range at umiskor ng 48 para idikit ang dating 20-point deficit sa 104-98 papasok ng fourth. (VE)