Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Isa pang alagad ni Cayetano sinibak

0 190

Tanggal na rin sa kanyang puwesto sa Kamara ang isa pang kaalyado ni dating Speaker Alan Peter Cayetano.

Sa sesyon nitong Miyerkoles, pinalitan si Bulacan Rep. Jose Antonio Sy-Alvarado bilang chairman ng House committee on good government and public accountability.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pinalitan siya ni DIWA party-list Rep. Michael Aglipay na kaalyado naman ni Speaker Lord Allan Velasco.

Mula nang pamunuan ni Velasco ang Kamara ay ilang kaalyado ni Cayetano ang sinibak sa posisyon.

Kabilang dito sina Camarines Sur Rep. Luis Raymund `LRay’ Villafuerte Jr., Capiz Rep. Fredenil Castro, Laguna Rep. Dan Fernandez, at Batangas Rep. Raneo Abu bilang mga deputy speaker. (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.