Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Isa pang balikbayan lumusot sa protocol

0 222

Ibinunyag ni Department of Tourism (DOT) Secretary Bernadette Romulo-Puyat na may isa pang Pinay galing Amerika ang hindi dumaan sa mandatory quarantine nang dumating sa Pilipinas.

Isiniwalat ito ni Puyat sa isang panayam ng CNN kahapon kung saan inihayag ng kalihim ang ilan pang insidente ng mga paglabag sa quarantine protocol na nakarating sa kanilang kaalaman.

Matapos umanong lusutan ang protocol para sa mga dumarating na biyahero mula sa ibang bansa ay ipinagyabang pa ng naturang Pinay na hindi siya dumaan sa quarantine.

Sa halip na magpa-quarantine, tumuloy umano ang balikbayang Pinay sa condominium nito pagdating sa bansa.

Nakarating sa kaalaman ng mga awtoridad ang insidente at nahuli ang Pinay.

“Very proud ha na she was skipping quarantine and her name was given and the person who knows her even gave a sworn affidavit. Nahuli na rin ‘yong tao na ‘yon,” ayon kay Puyat.

Leave A Reply

Your email address will not be published.