Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Isa pang Catholic bishop na-virus

0 291

May isa pang opisyal Obispo ng Simbahang Katolika ang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Inanunsiyo ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) Vice President at Calookan Bishop Pablo Virgilio David sa isang misa na ginanap sa San Roque Cathedral nitong Linggo, na nagpositibo rin sa COVID-19 si retired Calookan Bishop Deogracias Iñiguez.

SM food to go Banner Ad

Nabatid na naka-confine ngayon sa isang hindi tinukoy na pagamutan si Iñiquez at nilalapatan ng lunas. Humiling ng panalangin sa publiko si David para kay Iñiquez at sa iba pang indibiduwal na nahawahan ng virus

Nalaman na si Iñiguez, 79, ang ikalawang obispong nagpositibo sa COVID-19 bukod kay Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, na siyang apostolic administrator ng Archdiocese of Manila.(Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.