Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Isa pang Fil-Am biktima ng hate crime

0 16

Mariing kinondena ng Philippine Consulate General sa New York ang pinakahuling anti-Asian attack laban sa isang Filipino-American na pinagsusuntok sa kanyang mukha sa isang subway station sa Manhattan, Miyerkoles ng gabi.

Sa inilabas na pahayag, iginiit ni Philippine Consul General Elmer Cato sa mga awtoridad sa Estados Unidos na agarang gumawa ng kaukulang aksiyon para mabigyan ng proteksiyon ang mga miyembro ng Asian American and Pacific Island (AAPI) community.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon sa ulat, unang nasaksihan ng 52-anyos na Fil-Am ang isang lalaki habang inaatake ng isa pang lalaki matapos bumaba ng train sa 103rd Street station sa Upper East Side.

Sumisigaw pa umano ang suspek ng “go back to where you came from” subalit nagawang makatakbo ng lalaki. Dito na pinagbalingan ng suspek ang Fil-Am habang pinagsasalitaan din ito. (PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.