Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Isa pang pader iniharang sa Bilibid kalsada

0 74

Umalma si Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon sa sorpresang pagtatayo ng Bureau of Corrections (BuCor) ng isa pang pader na humaharang sa kalsada kaya hindi ito madaanan ng mga motorista.

Ayon kay Biazon, gaya noong una ay hindi nakipag-ugnayan ang BuCor sa pagtatayo nito ng pader sa kalsada sa lugar ng Type B.

“Tulad ng unang nangyari sa Southville, naniniwala tayo na mali at hindi makatarungan ang kilos na ginawa ng BuCor kung saan mga Muntinlupeño ang apektado.”

SM SuperKidsDay Banner Ad

Hindi pa aniya nareresolba ang isyu sa unang pader.

“Nasa kalagitnaan pa ng pag-uusap at hindi pa resolved ang naunang problema ay gumawa na naman ng bagong aksiyon ang BuCor na naagrabyado na naman ang mga mamamayan ng Muntinlupa.”

Nagreklamo na si Biazon kay Justice Secretary Menardo Guevarra kaugnay nito. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.