Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Isa sa dalawang viral ostrich patay

0 321

Dear Animal Lovers:

May malungkot na balita ako para sa inyo, mga PETmalu. Namatay ang isa sa dalawang ‘viral’Ostrich na sumikat nung bumulaga ang video nila sa Facebook noong nakaraang Martes. Sa mga video, makikita ang mga nasabing Ostrich na tumatakbo sa loob ng Mapayapa Village, Quezon City.

Ayon kay Department of Natural Resources Spokesperson, USEC Benny Antiporda, ang nagbalita sa kanila ng pagkamatay ng Ostrich ay ang may-ari mismo na si Jonathan Cruz.

Ang pangalawang Ostrich naman ay buhay at nasa kamay ng mga DENR officials sa Biodiversity Management Bureau rescue center. Nangako naman si USEC Benny Antiporda naitutuloy niya ang imbestigasyon at kung may fowlplay (este foulplay), may mananagot sa pagkamatay ng Ostrich.

Sa tutoo lang, mga Petmalu, nung nakita ko yung video, hindi ako natuwa. Dahil kitang-kitako ang takot sa mga mata ng mga Ostrich habang sila ay tumatakbo. At awang-awa akodahil nung nahuli na sila, nakita kong bagsaksila sa daan, nakagapos, may sakong nakasaklobsa ulo at hawak-hawak sila ng lima hanggangwalong lalaki!

Hindi po ako magugulat kung ang Ostrich na itoay namatay dahil sa stress. Unang-una, ang mga humuli sa kanya, sa aking palagay, ay hindi mga professional animal handlers. Sa tingin ko, dapatmga beterinaryo na may karanasan sa wildlife ang humili sa kanila.

Pangalawa, kailangan ng malawak na lugar ang mga Ostrich. Ang likas na tahanan ng mga flightless birds na ito ay ang mga kagubatan at savannah ng Africa! Hindi sila bagay sa ciudad o residential village!

Bagaman malungkot ako sa pagkamatay ng Ostrich, nagpapasalamat ako na walang taongnasaktan dahil ang ibon na ito ay isangmapanganib na hayop. Akala siguro natin, dahil lahat ng aklat ng alpabeto para sa bata ay may Ostrich sa pahina ng letter ‘O’, ito ay mabait. Hindi po! Matatapang ang mga Ostrich lalo nakapag ito ay natatakot o galit.

Ayon sa Encyclopedia Britannica, ang American singer na si Johnny Cash ay muntik nangmapatay ng isang Ostrich sa kaniyang sarilingprivate zoo! Natakot kasi ang Ostrich sa pamalona hawak ng country singer kaya sinipa siyanito. Buti nalang, malaki ang belt buckle niKuya Johnny or else, dedbol siya sa matalim nakuko ng kanyang alaga.

Ano po ang leksyon na matututunan natin dito? Alagaan at respetuhin natin ang wildlife. Kung ano ang makakabuti sa kanila, iyon ang dapatnating gawin!

Nagmamahal,

Joyce

Leave A Reply

Your email address will not be published.