Abante Tonite Interactive

Isaac, Alas paspas sa quarters

By
1,410

Walang ibang hangad si coach Leo Isaac ng Blackwater kundi ang makapasok ang Elite sa 43rd PBA 2017-2018 Philippine Cup playoffs.

Kaya naman ibubuhos nila ang buong puwersa mamayang alas-siyete ng gabi sa laban kontra sa babangon ding Phoenix Petroleum dahil ito na ang huling tsansa para umusad sa quarterfinals.

Natalo ang Blackwater sa NLEX noong Linggo 93-90.

Abante Hiring – IT dep

Galing din ang Fuel Masters ni coach Louie Alas sa masakit na semplang kontra Meralco 90-92 noong Valentine’s Day kaya sila nalagay sa pang walong puwesto at nakaamba ang pa­nganib kapag sila ang nagtabla ay sila ang malalaglag dahil doon.

Kaya naman kinakailangan ng Phoenix na maipanalo ang huling dalawang laro. Pagkatapos nito ay GlobalPort naman ang kanilang haharapin sa Marso 2.

Dahil parehas naghahabol ang dalawang koponan, kaabang-abang ang mga banggaan ng mga bata ni Alas na sina RJ Jazul, Jeff Chan, Matthew Wright, Jason Perkins, at Willie Wilson.

At sa kampo naman ni Isaac ay sina Michael DiGregorio, Allein Maliksi, Mac Belo, Raymar Jose, at JP Erram.(Christian Cortez)