Abante Tonite Interactive

Isaac Go ilalapit sa finals ang Ateneo

163

Pananatilihin nina Isaac Go, Thirdy Ravena at Ateneo Blue Eagles ang malinis na 13-0 record para lumapit sa outright finals laban sa out nang NU Bulldogs sa mainit pa ring ratratan sa 82nd UAAP seniors basketball tourney 2019 2nd round elims mamaya sa Ynares Center, Antipolo.

Sigurado na sa Final 4 ang league-leading at defending champion ADMU tapos matuka ang 12th straight win sa nakaraang Sabado kontra sa nasipa na ring UE Red Warriors, 84-50, at mangailangan na lang ng dalawa pang panalo para makapasok agad sa finals.

Nagtulungan sa muling pagdagit ng Katipunan-based squad sina Go na may season high 13 points, Ange Kouame na may 11 pts., 8 rebounds at Ravena na naka-11 puntos din at 7 boards.

Papabido pang lalo ang mga Atenista para pahabain ang kalbaryo ng karibal (2-10) sa misyong pagtutop sa finale ayon kay Thomas Anthony ‘Tab’ Baldwin.

“Sport is about performance, not about bragging about performance. So we’re very much focused on what our next performance is gonna be,” anang Ateneo coach. “Hopefully when we step up against NU, we’ll be prepared for that game and they will be center of our attention and we’ll take care of business.” (Janiel Abby Toralba)