Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Isabel type ipatokhang ni Vivian

0 690

Nakatikim ng maanghang na salita si Vivian Velez mula sa former fellow sexy star na si Isabel Rivas .Nagbubunyi ng una sa pagkaka-deny ng prangkisa ng ABS-CBN.

Tila hindi na nakatiis si Isabel dahil sunod-sunod ang posts ni VV matapos lumabas ang desisyon sa Congress last Friday, July 10.

“Thank you Congress. You did good for the country,” ang isa sa mga posts ng aktres na ngayon ay Director General ng Film Academy of the Philippines.

Isa pang post niya, “the rule of the majority. That’s how democracy works. Thank you for the magnificent 70 for connecting the dots.”

As we all know ay strong supporter si Double V ni Pangulong Rodrigo Duterte at very vocal din siya ever since sa kanyang stand na “no to ABS-CBN franchise” kahit pa sabihing taga-industriya rin siya.

Sa kanyang Facebook post ay binanatan ni Isabel si Vivian at pinaratangan niya itong ingrata at umano’y walang kwentang tao.

“Walang kwentang tao talaga ito, sexy ka lang nung araw pero no brains ka talaga. . . nanaba na lang sana utak mo ng may natira ka pang industria na rerespeto sayo. . .adding insult to injury ka pa diyan sa mga umiiyak na nakatrabaho mo, wala ka talagang kahihiyan. . .ingrata!!!” ang bahagi ng post ni Isabel.

Dugtong pa niya, 45 years na raw niyang kilala si Vivian pero hindi raw nito alam ang salitang kaibigan.

Pagtatapos ng post ni Isabel, “true character on display here vivian velez. . .emphaty man lang sana natutunan mo.”

Pagkatapos nito ay nag-post naman si VV sa FB ng isang blind item pero tila sagot niya ito kay Isabel.

“Dating ‘ingiterang’ actress friend, putak ng putak at minumura ako dahil DDS daw ako. Tumitira ka pa rin palaka? #maTOKHANGkaSANA,” ang post ni Vivian.

Apparently, tila matagal na talagang may iringan ang dalawang aktres na dating magkaibigan during their heydays. Ewan kung ano ang nangyari along the way at umasim ang kanilang relasyon.

Erik nakatulog sa pag-iyak

Lubhang mahirap talagang i-proseso at tanggapin para sa mga Kapamilya stars and employees ang nangyari sa kanilang home network. Kaya naman talagang sunod-sunod pa rin talaga hanggang ngayon ang kanilang protesta.

Sa post nga ni Erik Santos, sinabi niyang wala raw silang ginawa kungdi mag-iyakan hanggang sa makatulugan na niya ang sama ng loob.

“Kausap ko kagabi ang isang kaibigan. Wala kami ginawa kundi mag iyakan na lang. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako dala ang galit at sakit na dulot ng mga pangyayari kahapon,” ani Erik sa kanyang Instagram post.

Sobrang napakasakit daw at napakabigat sa dibdib ang nangyari.

“Totoo, napakasakit, sobrang bigat sa dibdib. Galit na galit ako sa mga taong nagdiriwang at masayang masaya sa sinapit naming lahat at ng kumpanyang aming pinagtatrabahuhan.

“Nagdurugo ang aking puso para sa libo-libong mga empleyado na mawawalan ng hanap-buhay,” patuloy ng singer.

Sa huli ay pinipilit pa rin namang magpakapositibo ni Erik at aniya, in time ay babangon din sila.

“There aren’t enough words to describe the pain we are feeling right now, but I find comfort in knowing that God is bigger than all of these. For now, allow us to grieve and respect what we are going through.

“Eventually, we will all rise up and move on from here – stronger and better.

“Muli, isang mahigpit na yakap sa aking mga boss at katrabaho. Let us stay together as one family and continue to be in the service of the Filipino worldwide.

“Maraming salamat sa lahat ng nakiramay at nagdasal para sa amin. Hindi po kami makakalimot,” pagtatapos ni Erik.

Leave A Reply

Your email address will not be published.