Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Isabela 18-araw sasailalim sa GCQ

0 223

Sumailalim kahapon ang probinsya ng Isabela sa 18-day general community qurantine (GCQ) hanggang upang mapigilan ang patuloy na pagtaas ng mga nagpopositibo sa coronavirus disease (COVID-19).

Sa ipinalabas na executive order (EO) ni Isabela Gov. Rodito Albano, ang GCQ bubble set-up naman ay ipinatupad na hanggang April 5, 2021 para mapigilan ang paglabas ng mga mamamayan patungo sa ibang lugar sa panahon ng Mahal na Araw.

Ayon sa EO ni Albano, kailangang isailalim sa GCQ bubble setup ang Isabela ngayong Semana Santa upang mapigilan ang pag-alis ng mga tao at maiwasan ang pagkalat ng nasabing virus.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa ilalim ng GCQ, pinapayagan lamang ang mga essential travel at bawal na lumabas sa bahay ang mga mamamayan maliban kung bibili sila ng mga pangunahing pangangailangan tulad ng mga pagkain at papasok sa trabaho.

Bawal ang dine-in kundi pinapayagan lamang ang mga take-out at delivery.

Mahigpit ding ipinagbabawal ang pag-inom ng alak, pag-videoke at iiral ang curfew hours mula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng umaga. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.