Abante Tonite Interactive

Isabela mayor kinasuhan sa 20 beses overpriced na lupa

530

Sinampahan ng kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Office of the Ombudsman ang isang alkalde sa Isabela kasama ang
kapatid nito, hipag, at dalawang opis­yal ng kanilang bayan dahil sa diumano’y 20 beses na pag-overpriced ng biniling lupa para sa itatayong co-
liseum.

Kinilala ng NBI Anti-Graft Division ang mga kinasuhan na sina Cabatuan, Isabela Mayor Charlton Uy, kapatid nitong si Christopher Uy, hipag na si Manila Manerva Alivia, municipal accountant Christine Entera, at treasurer Cristanto James.

Batay sa ulat ng NBI-AGD, pinahintulutan ni Mayor Uy si Alivia para sa pagbili ng 10,000 square meter na lupa na nagkakahalaga ng P10 milyon samantalang ang presyuhan ng lupa sa kanilang lugar ay nasa P870,000 lamang.

Lumabas din sa pag-iimbestiga ng NBI na bumili ang kapatid ng alkalde ng 24,395 square meter ng lupa sa halagang P1.350 milyon o P55 kada square meter matapos ipasa ang municipal ordinance na nag­lalaan ng P10 mil­yon para bibilhing lupa na pagtatayuan ng coli­seum.

Nabatid pa na ang lupa ay binili sa hipag ng kanyang kapatid.

“When Mayor Uy purchased the subject property from the very sister in-law of his bro­ther, such transaction was tain-ted by partiali­ty, bad faith and gross negligence knowing fully well that the price was totally unconscionable given the original price for which the whole property was ori-ginally sought from the pre­vious owner,” ayon sa NBI report.(Nancy Carvajal)