Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Isabela mayor umapela ng tulong na binhi, abono

0 186

Nanawagan ang alkalde ng bayan ng Tumauini, Isabela upang mabigyan sila ng mga binhi at abono para muling makapagsimula ang mga magsasaka na matinding nasalanta ng pagbaha dulot ng bagyong ‘Ulysses’.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Apela sa national government na tulungan kami sa pagbibigay ng seeds, corn seeds, at mga abono para kahit papaano makabangon ang ating mga kababayan,” sabi ni Tumauini Mayor Arnold Bautista sa isang panayam.

Aniya, nasa 2,700 ektarya ng taniman ang nasalanta ng pagbaha sanhi sa nakalipas na bagyo. Sa ngayon umanno, nakadepende ang nasa 9,500 pamilya sa mga ayudang ibinibigay ng lokal na pamahalaan at mga organisasyon para sa kanilang pang araw-araw na pangangailangan. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.