Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Isabela vice mayor, 2 pulis kalaboso sa majhong

0 494

Dinakip ng mga awtoridad si Maconacon, Isabela Vice Mayor Jolly Taberner, dalawang pulis, at anim na iba pa dahil sa pagma-majhong noong Sabado.

Bukod kay Taberner, arestado rin ang dalawang pulis na sina Maconel Pascua at Christine Ruiz, gayundin si Pete Laggui, may-ari ng bahay kung saan ginanap ang iligal na sugal.

Kabilang pa sa mga inaresto sina Gerry Adducul, retiradong pulis; Marlene Bautista, empleyado ng Department of Agriculture in Region 2 (DA-2); gayundin sina Pedro Baggay, Jayson Allam, at Grace Laggui.

Nakuha sa lugar ang mahjong set, .45 kalibre pistol na may magazine. Mahaharap sa illegal gambling ang suspek na dinala sa kostudiya ng pulisya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.