Isabelle hanep sa bikini

NI: ROLDAN CASTRO
Todo ang training ni Isabelle de Leon para sa laban niya sa Miss Multinational pageant. Makikita sa Instagram account niya ang video na nagti-train siyang rumampa sa swimsuit competition. Hanep ang postura.
Hawak ng actress-beauty queen ang crown bilang Miss Multinational Philippines 2019.
Si Isabelle ay nakilala bilang si Duday sa Daddy Di Do Du. Nanalo ring Best Child actress sa pelikulang ‘Magnifico’. Napanood din siya sa ‘ FPJ’s Ang Probinsyano’.
Sa ngayon ay marami ang nagpapantasya sa kanya na mga barako.
Reaction ng mga netizen sa kanyang porma, alindog, kaseksihan at kagandahan..

@mhelamarie30, “Goddess .”
@mlmdrg, “So gorgeous naman talaga baby duds!”
@noresthetic, “Binibining maganda”
@beautybylovina09, “So stunning!”
@jast.photog, “Halaa! Winner!”
@redhotchillitatay, “Lupet mo duday”