Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Isabelle inupakan na kupido ni Liz

0 152

NI: ARCHIE LIAO

Muli na namang naging kontrobersyal ang celebrity stylist na si Liz Uy dahil sa engagement niya sa businessman na si Raymond Ragaza.

Katunayan sa kanyang Instagram, pinasalamatan ni Liz ang kanyang kaibigang si Isabelle Daza dahil daw ang naging daan para magkakilala sila ni Raymond.

Nang i-congratulate ni Isabelle si Liz, sinabi naman nito na malaki ang kanyang utang na loob sa actress dahil ito ang itinuturing niyang “best cupid.”

Dahil dito, nag-react ang netizens lalo sa pagkakaalam nila ay kasal pa noon ang non-showbiz boyfriend ni Liz sa kilalang internist at rheumatologist na si Dr. Geraldine “Ging” Zamora, na isa sa recipient ng TOYM awards noong 2016.

Pero ngayon ay pareho na silang malaya dahil may announcement na rin si Dr. Ging sa kanyang engagement sa isa ring doctor.

Anyway, nakatikim ng banat si Isabelle dahil sa pagiging cupid daw sa kaibigan at sa isang lalakeng may sabit pa umano noon.

Hirit pa ng ilan, kuwestiyonable rin daw ang morals ng actress dahil hindi naisip ang ginawa niyang pagma-match noon sa dalawa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.