Abante Tonite Interactive

Isabelle nabuking ang galit ng kasambahay

0 1,589

NI:MILDRED A.BACUD

Binahagi ni Isabelle Daza sa social media ang sikreto kung paano niya nalalaman kung ang mga kasambahay niya ay masaya sa kani- kanilang trabaho.Pinost niya sa IG ang screenshot ng mga questionares niya na binigay sa mga ito.

Sadya pa lang ginagawa ito ng aktres para malaman kung ano ang pagkukulang niya bilang employer. Bukod dito, para mas mapabuti pa ang pagtatrabaho ng mga ito.

Ang nakakatuwang sagot ng isang sa tanong kung anong kinaiinisan niya kay Isabelle ay ang sunud -sunod na utos daw ng aktres at gusto raw nitong magawa agad sa maikling oras.

Epektib ang istilong ito ni Isabelle.Sabi nga sa kasabihan, ang pagsasama ng tapat ay pagsasama ng maluwag.

Hindi nakakapagtaka kung nakakatagal ang mga kasambahay ni Isabelle sa kanya.

Tonite – Wendys Inhouse Ad