Abante Tonite Interactive

Isaga, 4 na iba pa sulong sa Thunderbird 6-Cocker

271

Pinamayagpagan Harvey Philip M. Isaga ng Kape ang regional leg ng 2019 Thunderbird 6-Cock All Star Derby sa Leyte Reacreational & Amusement Center (LRAC) sa Palo, Leyte nitong Abril 12.

Hatian naman sa tagumpay sina Lawrence Lu ng Angry Bird Apr. 13 4 Cock at Juanito G. Palma ng Super Block sa sa Iloilo Coliseum noong Abr. 10.

Si Edwin Gutierrez ng Weind ang solong kumopo ng titulo sa Bacolor Cockpit Arena sa Pampanga noong Abr. 5, at mag-isa ring nanalo si Mike Vasquez ng Banahaw Gamefarm sa GPB Mayon Sports Center noong Marso 31.

Kaya qualified na ang grupo sa Thunderbird Manila Challenge National Championship 6-Cock All-Star Invitational Deby sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City sa Mayo 22.

Kabilang sila sa 15 regional champs na mga maglalabo-labo kasama rin ang 25 Thunderbird national endrosers, 8 special cyber qualifier champion at si reigning titlist Engr. Taguibao ng Cagayan sa nationals.(Enjel Manato)