Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Isang barangay may pa-libreng print sa mag-aaral

0 91

Good news sa mga kabataan lalo na sa nakatira sa Barangay sikatuna Village sa Quezon City.

Marami sa mga kabataan ngayon ay sa bahay nag-aaral kasunod ng kautusan ng gobyerno na blended learning. Kundi sa online learning ay modules ang ginagamit.

Kayat naisipan ng Sangguniang Kabataan sa Barangay Sikatuna na makatulong sa kapwa estudyante.

Ang alok nila, libreng pag-print ng mga files na kailangan ng mga mag-aaral.

Sa kanilang social media account na Facebook na Barangay Sikatuna, sinabi nito na kailangan lamang na mag-email sa kanilang account ng gustong ipa-print.

Kapag na-verify na ikaw ay lehitimong estudyante at pang-eskwelahan ang pinapa-print, sasagot ang mga pamunuan ng SK at saka sasabihang magpunta ang estudyante para kunin na ang ipapa-print.

Maari lamang mag email sa sikatuavillagesk@gmail.com (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.