Abante Tonite Interactive

ISANG KAMPAY SA GILAS!

13

Sasaluduhan ng Philippine Basketball Association ang dalawang National teams na nagpasiklab sa Southeast Asian Games at FIBA Asia Cup.

“These two teams made us proud,” suma ni Commissioner Chito Narvasa. “They showcased their ability in the face of adversity and, in the process, achieved an incredible milestone in the SEA Games and the FIBA Asia Cup.”

Pangungunahan ni Narvasa ang simpleng seremonya sa Smart Araneta Coliseum sa Linggo.

Undefeated tungo sa gold sa Malaysia SEA Games ang Nationals sa pangunguna nina Baser Amer, Troy Rosario at Bryan Cruz. Tampok sa dominasyon nila sa regional games ang panalo sa final laban sa Indonesia nang iuwi ng Pilipinas ang 12th consecutive basketball gold sa biennial meet.

Nasa SEA Games team ni coach Jong Uichico sina Kiefer Ravena, Bobby Ray Parks, Christian Standhardinger, Kobe Paras, Reymar Jose, Almond Vosotros, Kevin Ferrer at Von Pessumal.

Pinangunahan nina Jayson Castro at Terrence Romeo, maganda rin ang pinakita ng Gilas sa FIBA Asia Cup sa Beirut, Lebanon.

Hindi man nakarating sa medal play ang Filipinos, impresibo ang 3-0 sweep nila sa preliminaries, una ang 96-87 victory laban sa defending champion China.

Kasama sa FIBA team ni coach Chot Reyes sina Standhardinger, Cruz, Gabe Norwood, Jio Jalalon, Calvin Abueva, Matthew Wright, June Mar Fajardo, Roger Pogoy, Raymond Almazan at Japeth Aguilar.