Abante Tonite Interactive

‘Isang Linggong Pag-ibig’ pinagkatiwala ni Papin kay LA

526

tonite-this-is-it-roldan-castroWalang female singer ang binigyan ng permiso ni Imelda Papin na kantahin ang kanyang classic hit single na “Isang Linggong Pag-ibig.”

Ipinagkatiwala lang niya ito kay LA Santos na i-revive.

“Ang totoo, napakarami nang lumalapit para i-revive ang kanta, but I wasn’t giving in. Not until I learned that LA is doing it. Umpisa pa lang na marinig ko ang version niya, sinabi kong siya na talaga at wala nang iba pang nararapat mag-revive nito,” deklara ni Imelda.

Nagpapasalamat naman si LA na ipinagkatiwala sa kanya ang naturang awitin.

“Siyempre po, sobrang thank you po na ibinigay sa akin po ang kantang ito kasi dati ko pa po siyang kinakanta noong hindi pa po kami nagkakakilala ni Tita Mel.

“Pinaka-first time kong narinig ‘yung song sa radio po habang nagluluto lang si mommy… Parang nag-stuck lang sa isip ko at sa pagkanta ko,” bulalas ni LA.

Bongga ang version ni LA sa “Isang Linggong Pag-ibig.” Pang-millennial ang dating.
***

Quinn hihimatayin kay Echo

Masayang nairaos ang kaarawan ni Quinn Carrillo, isa sa member ng all-female group na Belladonas. Nag-party siya sa Taggo Bar and Café sa Tomas Morato.

Naging bisita niya ang Clique V, at ilang kasama­han niya sa 3:16 Events and Talent Management Company ni Madam Len Carillo.

“Birthday wish ko po, sana more success pa sa career, and more blessings para po sa family ko,” sambit niya.

Itinuturing niya na pinakamagandang gift niya ang necklace na bigay ni Madam Len. Nang tanungin ang presyo ng nasabing necklace:

“Hindi na po ‘yun mahalaga. Priceless po para sa akin ito, kasi bigay ng nanay ko,” deklara niya.

Sa nasabing panayam, tinanong din kung sino ang crush niya.

“Yung all-time crush ko po, si Jericho Rosales. Baka po ‘pag pumunta siya rito, himatayin ako,” pakli niya.

“Bata pa lang po ako, crush ko na siya. Napapanood ko po siya rati sa ‘Eat Bulaga,’ nu’ng sumali siya sa Mr. Pogi, tapos po ru’n sa ‘Pangako Sa ‘Yo,’” lahad pa niya.

Sa ngayon ay hataw ang Belladonnas sa shows.