Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Isang taon na tayo!

0 186

Buwan na Oktubre mga Ka Trip Mo, Trip Ko. Ibig sabihin ay mag -1 year anniversary na tayo dito sa Abante bilang kolumnista na nagbabahagi ng mga lugar na magaganda dito sa ating bansa. Isang mainit na pasasalamat po sa inyong mga tagasubaybay.

Sana naman ay napuno ko ang inyong bucket list para sa buong taon ng paglalakbay. Dahil nga isang taon na tayo handog ko naman sa inyo ngayon ang mga kakaibang pag kain ng bawat probinsya.

Simulan natin sa probinsya na kung saan ay alam nating mahihilig sa maanghang na putahe. Isang putahe nila ang tumatak upang makilala ang kanilang lugar. May naiisip na ba kayo?

Sino ba naman ang hindi makakakilala at matatakam sa kanilang lutuing may gata at sili! Na kapag natikman ay makakalimutan mo ang iyong pangalan sa anghang na talaga namang mapapainom ka ng isang litrong tubig lalo na kapag hindi ka sanay sa maanghang. Pero aminin nating mga Pinoy bukod sa mga Koreano na mahilig din sa maanghang hindi tayo magpapatalo sa kanila. Ito ang saktong putahe lalo na kapag tag-ulan at kung minsan ay ginagawang pulutan. Ang Probinsyang mayaman din at sagana sa ganda ng kalikasan ito ang Bicol at ang kilalang bicol express at laing dito sa ating bansa at maging sa ibang bansa.

Dahil bukod sa ganda at nakaka manghang mga lugar sa atin dito, nakikilala din tayo sa buong mundo dahil sa mga putaheng talaga namang puwede natin ipag malaki.

Alam nyo ba na ang pagkahumaling ng mga Bikolano sa sili ay hindi lamang makikita sa kanilang pangunahing pagkain. Dahil meron din silang chili cupcakes! Ano kaya ang lasa nito mga Ka Abante? Ito ay cake na may halong pili at sili, ibig sabihin ang tamis ng flavor ng cupcake nila at may anghang siguradong mapapakain ka ng madami.

Pang himagas ba kamo? Naku, hindi din natin palalagpasin yan dahil meron lang naman silang Sili ice cream flavor! Naku! Init at lamig… Tamis at anghang in one! Mapapa sana all ka na lang talaga. Hindi ko lang alam kung trip din ng mga bata tikman ito! Pero in fairness mga ka Abante masarap sya, hindi mo masyado mararamdaman ang anghang dahil nga malamig pero may kagat din naman unti.

Hindi lamang yan mga Ka Trip Mo, Trip Ko dahil hindi din papahuli ang ating kababayan sa Bicol pagdating sa inumin. Nakatikim ka na ba ng beer na may sili? Kung hindi pa, advice ko sa inyong mga beer lovers huwag ninyo itong palalagpasing matikman kapag kayo ay pumunta dito.

Kaya naman bukod sa pag-enjoy ninyong pumunta sa mga tourist spot dito at lumangoy sa dagat nilang sobrang linis din eh sabayan nyo na ng food trip para siguradong kompleto ang inyong bakasyon.

Natakam ba kayo sa aking mga nabangit na mga pag kain nila? Naku kung oo! Abah mag comment na kayo sa ating comment box para naman malaman ko kung ano ang pinaka gusto ninyong pagkain na nabanggit ko. Ikaw ano ang kuwentong Bicol mo? Email nyo ako sa jennifergo2011@gmail.com para naman maisama ko kayo sa susunod na kuwentong TRIP MO, TRIP KO!

***

Suportahan nyo din po at maki Putukan na kayo sa ang aming Live na pagbabalita tuwing Lunes-Biyernes alas-7 ng umaga sa programang Abante Unang Putok sa Umaga! At ang aking USISERA na programa tuwing Sabado alas-3 naman ng hapon.

Muli Happy 1st Year Anniv. Sa ating lahat dito sa TRIP MO, TRIP KO!

Leave A Reply

Your email address will not be published.