Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Isda humabol sa taas-presyo ng baboy, manok

0 141

Pagkatapos sumirit ng presyo ng baboy at manok sa mga pamilihan, humahabol naman sa price hike ang isda.

Ayon sa monitoring ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) mula February 17-23, nasa P200 per kilo na ang frozen galunggong na galing China at P240 per kilo naman ang galing Vietnam.

Sa monitoring ng Department of Agriculture kahapon, P240 per kilo na ang presyo ng imported galunggong sa piling mga palengke sa Metro Manila.

Ayon sa BFAR, walang lokal na galunggong ang na unload sa Navotas Fish Port gayung dapat sana ay may mga huli na dahil katatanggal pa lang ng closed fishing season sa ilang mga lugar sa bansa, sabi ng BFAR maaaring hindi pa lumalaki ang mga galunggong. Maaaring epekto rin umano ito ng bagyong ‘Auring’ at ng hanging amihan.

Sa Lucena, Quezon, mayroon namang galunggong ngunit nasa P250 per kilo hanggang P280 per kilo ito.

Sabi ng BFAR, ang presyo ng alumahan ay umakyat na sa P330 per kilo mula sa P260, dahil umano ito sa limitadong stock.

Dagdag ng BFAR, konti lang ang perang pambili ng mga consumer kaya’t matumal ang bentahan ng isda sa mga palengke. Para hindi masira ang mga isda, konti lang din umano ang binibili ng mga vendor habang ang iba naman ay hindi na lang nagtitinda.

“Due to the low buying capacity of consumers amid the pandemic, there continues to be low demand for fishery commodities in most retail markets this week,” sabi ni Amor Diaz, chief ng Fisheries Industry Development and Support Services Division sa memo kay BFAR director Eduardo Gongona. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.