Abante Tonite Interactive

Isda mabisang gamot sa depresyon!

By
2,360

Madalas ka bang makaramdam ng depression?

Kung gusto mong magamot ito’y umpisahan mo nang kumain ng isda.

Tama. Isa ang isda sa mabisang gamot sa mga taong madalas dapuan ng depresyon.

Abante Hiring – IT dep

Base sa isinagawang pag-aaral sa Finland at sa pagpupulong ng American Psychiatric Association, lumitaw na ang mga taong tamad mag-ulam ng isda ay madalas na nakakaramdam ng mild to severe depression kumpara sa mga mahihilig kumain nito.

Ang mga matatabang isda tulad ng salmon, herring, sardinas at tuna ang may pinakamataas na Omega-3 content kung saan ang mga kapsula nito o fatty acids ay malaking tulong sa paggamot sa may manic-depression.

Sa nasabing pag-aaral, dahil sa may taglay na Omega-3 polyunsaturated fatty acids o PUFA ang mga isda ay malaking tulong ito para mapaglabanan ang dinaranas na sobrang depresyon.

Malaking tulong din ang pagkain ng may Omega-3 para maiwasan ang inflammation sa katawan. Ang inflammation ay maaaring makasira sa mga ugat.

Pinapababa ng Omega-3 ang triglycerides, blood pressure at blood clotting.

Iniiwasan din nito ang stroke, heart failure at irregular heartbeats.

Bukod sa iwas-depresyon na’y mabisang gamot din ito sa dementia at arthritis.

Mainam ding sanayin na ngayon pa lang ang inyong mga supling dahil nakakapagpatalas ng pag-iisip ng mga bata ang pagkain ng isda.

Ayon naman sa American Heart Association, ang pagkain twice a week o higit pa ng mga isdang mayaman sa Omega-3 ay makakatulong na pababain ang posibilidad ng pagkakaroon ng sakit sa puso partikular na ang cardiac arrest.

Tandaan lang na mas mainam kainin ang mga isdang idinaan sa broiling at baking sa halip na prito.