Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Isda sumisid sa tenga ng bata

0 90

ISANG maliit na uri ng isda ang pumasok sa kanang tenga ng pitong taong gulang na batang lalaki sa Davao City.

Nangyari ito sa Brgy Dumoy kung saan kwento ng batang si Noe sa isang programa, habang nagpapraktis sila ng tinatawag na “skinming” o parang surfing sa dalampasigan.

Pag-ahon ay may naramdaman na lang umano siyang gumagalaw sa kanyang tenga.

SM food to go Banner Ad

Agad naman itong sinaklolohan ng kanyang magulang kung saan nakita ang isdang “Ibis” o tila isang tawilis.

Nakapasok ang kalahati nito sa kanyang tenga habang nasa labas ang kalahati.

Inabot ng isang oras bago nahugot sa tenga ng bata ang patay nang isda. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.