Abante Tonite Interactive

Isdang tumalon palabas ng aquarium

573

Dear Dream Catcher,

Napanaginipan ko po ‘yung aquarium namin. Meron po talaga ka­ming aquarium sa bahay at merong nag-iisang isda du’n, isang arowana at sa panaginip ko, lilinisin ko raw ‘yung aquarium kaya ibinukas ko ito tapos nagulat na lang ako dahil tumalon palabas ng aqua-rium ang arowana.

Kitang-kita ko po na parang lumipad palabas ng aquarium ang arowana at bumagsak sa sahig tapos nangisay. Sobrang takot na takot po ako at iniisip kong patay na ang isda pero nakita kong buhay pa ito kaya dinampot ko ito. Doon na po ako nagising. Paggising ko talagang naramdaman kong nakahinga ako nang maluwag dahil panaginip lang pala.

Aryan

Ang panaginip tungkol sa isang isda ay sumisimbolo sa maraming ­bagay tulad ng rebirth, fertility, kasaganaan at pagbabago.

Ang arowana ay isang mamahaling isda at itinuturing na pampasuwerte lalo na ng mga Chinese.

Related Posts

Sa iyong panaginip, tumalon ang arowana at nakita mo itong nangisay pero hindi naman ito tuluyang namatay sa iyong panaginip. Maaaring ang isda ay naging representasyon mo. Meron bang sitwasyon sa iyong ­buhay na pakiramdam mo ay para kang nasa aqua­rium kung saan maraming nag-oobserba sa bawat kilos mo? Kapag nasa aqua­rium, ­walang kalayaan ang isang isda at kahit gaano pa nga ito kamahal at gaano kaganda o gaano ka-rare, kung ia-analyze mo ang buhay ng isang isdang nakakulong lamang sa isang aquarium, wala siyang kalayaan na hindi gaya ng mga pangkaraniwan lamang na isda na malayang nakakapunta sa iba’t ibang bahagi ng karagatan.

Kung ang isda ay ­naging representasyon mo, pag-aralan mo kung bakit ka nakaka-relate sa isang isda sa aquarium. Ang pagtalon palabas ng aquarium ay tila mensahe na gusto mong magkaroon ng kalayaan.

Ikaw ang higit na nakakakilala sa sarili mo. Ikaw ang nakakaalam ng tunay mong sitwasyon at estado sa buhay.

Kung ang isda ay na­ging representasyon mo at kung ang panaginip mo ay naging mensahe lamang ng iyong subconscious, tanungin ang iyong sarili kung meron bang dahilan para gawin mo ang ginawa ng iyong alagang isda na pagsisikap makawala sa kanyang kinalalagyan?

Dream Catcher

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihi­yon, kulto o anumang ispiritwal na ­aspeto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang pa­naginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com