Abante Tonite Interactive

Isetann Mall walang permit

0 299

Malaki ang posibi­lidad na maipasara ang Isetann Mall matapos na matuklasan na walang business permit ang operator ng mall.

Ang pahayag ay ­ginawa ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso sa ginanap na CNN ­Philippines forum sa SM Aura sa Taguig City.

Sinabi ni Moreno na dapat na magpaliwanag ang pamunuan ng Isetann kung bakit wala silang pinanghahawakan na permit.

Ipinaalam umano kay Moreno ng ­Bureau of Permits na ang Trans Orient Management Company, operator ng Isetann Mall, ay walang business permit para sa taong 2019.

Una nang binantaan ni Moreno ang mall na ipapasara kapag napatunayan na nagkakanlong ng mga vendors na nagbebenta ng mga cellphones na galing sa magnanakaw (GSM).

Gayundin, ­sinabi ni Moreno na ­ipagbaba­wal na sa mga mall ang ­pagbebenta ng mga second hand ­cellphone at GSM kapag may ­nilikha ng ­ordinansa ang Manilan City Council. (Juliet de Loza-Cudia)