Abante Tonite Interactive

Isetann Recto, pinasara na ni Isko

0 1,289

Isinilbi na ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang closure order sa Isetann Mall sa Recto nitong Miyerkoles.

Pinag-utos ng Manila City government ng pagsasara ng naturang mall matapos madiskubre na lumabag ito sa mga city ordinance at walang business permits.

Ayon sa Manila Bureau of Permits and Licensing Office, hindi pa nakakakuha ng business permit ang Trans Orient Management Company, ang operator ng Isetann, ngayong taon.

Una nang nagbigay-babala si Moreno noong nakaraang buwan na ipasasara ang Tutuban Mall at Isetann Mall kung mapatutunayang nagbebenta ng mga nakaw na cellphone.

(IS)