Abante Tonite Interactive

Isinanglang lupa

By
402

Dear Atty. claire,

Nabasa ko po ‘yung column niyo sa Abante­, so I decide­d as well to raise some questions to you regar­ding sa lupa na sinangla sa akin.

‘Yung area po ng lupa ay almost 1500 sq. meter ang isinangla­ lang sa akin at ito po ay my kabuuan na area aproximately 5000 sq.meter. Since dahil portion lang ang isinangla sa akin wala sa amin ang titulo ng lupa pero merong pinirmahan na kontrata sa barangay. At dahil distance relative rin ng Mrs. ko nagtiwala rin ako. ‘Di rin dun nakasaad kung ilang years ang sangla. So in short walang nakasaad ang duration ng sangla. So ngayon pinapuntahan ko ulit para lagyan ng duration ang sangla kasi nga gusto ko nang kunin ang pera ko dahil wala man lang ako kita sa mga tanim du’n.

Ang tanging nasa amin lang ang xerox copy ng titulo ng lupa pati ‘yung kontrata sa barangay which was also signed by the owner. So ano po ba ang dapat kung gawin para makuha ko ang pera ko.

Thanks,

Rodel

***

Dear Rodel,

Kung hawak mo ang kopya ng original copy ng sanglaan at certified true copy ng titulo ay mas mainam ma magpa-annotate o ipa-register sa Register of Deeds (RD) ang nasa­bing sanglaan o kaya naman ay adverse claim sa titulo na nasa opisina o hawak ng RD para sa proteksiyon ninyo. 

Tandaan na ang pagbabayad ng utang ay dapat lamang na ma­singil sa loob ng 10 taon at kapag hindi nasingil o nasampahan ng aksiyon para magbayad ang umutang at mapapaso (prescribe) ito at hindi na maaari pang maka­singil ang nagpautang o magsampa ng kaso para sa collection of sum of money.

Hindi mo nasabi kung may petsa ang sanglaan dahil kung mayroon ay doon ko ibabase ang petsa kung kailan ka magsisimulang magbilang ng 10 taon.

Kung hindi pa nakakabayad at hindi na tumutupad sa usapan ay maaari ka nang magsampa ng kaso sa korte para sa isang collection of sum of mo­ney o judicial foreclo­sure o pagsubasta nito.

Kung walang fix period na nakalagay ay maaari ka rin dumulog sa korte upang hilingin na ma-fix ang period ng bayaran.
Dahil sa may napirmahan kayong sanglaan ay tiyak na protektado ka naman pero mas mainam na kumilos kaagad bago pa mapaso o ma-prescribe ang karapatan mong magsampa ng aksiyon.

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 410-7624 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com