Abante Tonite Interactive

Isinanglang titulo nasunog

311

Dear Atty. Claire,

Good day po. Paano po ang gagawin ko rito sa lupa na kinatitirikan ng bahay namin? Kasi po sabi po nila sinangla raw ng lola ng asawa ko noon at nasunog daw ‘yung bangko kung saan po sinangla.

Ngayon po gusto sana namin pagawaan ng sari­ling titulo ‘yung sa nasasakupan na lang sana namin. Ano po ba ang puwedeng gawin namin dahil wala na kasi ‘yung nagsangla? Hoping for your positive response.

Thank you po,
Manang Analeine

Dear Ms. Analeine,

Ang una po ninyong gawin ay alamin muna kung ang titulo ng lupa ay nakapangalan pa sa lolo ng asawa ninyo. Pumunta sa Assessor’s Office kung saan nakalugar ang lupa at humingi ng Certificate of Landholdings sa pangalan ng lolo ng asawa ninyo. Doon ninyo malalaman kung mayroon pang ari-arian ang lolo ng asawa mo.

Kung nakapangalan pa sa lolo mo at malinis at walang anumang annotation ng real estate mortgage ay wala ka­yong dapat bayaran na utang at gumawa na lamang kayo ng extrajudicial settlement of estate ng lolo ng asawa mo upang mahati-hati na ang ari-arian.

Kung may annotation naman ng real estate mortgage at lumagpas na ng 10 taon at hindi kayo nasingil ng napagsanglaan ay maituturing na paso o na-prescribe na ang karapatang ma­ningil ng nagpautang. At maaari na ninyong ipa-surrender ang titulo dahil wala na kayong obligasyong bayaran ang utang.

Kung nasunog ang bangko ay makipag-ugnayan sa Bangko ­Sentral ng Pilipinas (BSP) kung ano ang estado ng ­nasabing real estate mortgage.

Kung hindi pa nata­tapos ang panahon na dapat bayaran ang utang ay maaaring makipag-ugnayan sa BSP upang malaman ang estado ng lupa na ang titulo ay hawak ng nasunog na bangko.

***

Kung may katanu­ngan pa ay tumawag lamang sa 410-7624/922-0245 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com.