Abante Tonite Interactive

ISINUMPA NG TADHANA

Paulo at Ritz
6

MATUTUNGHAYAN na ang kuwento ng pag-ibig na panghabambuhay na isinumpa ng tadhana sa The Promise of Forever simula bukas sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN.

Bibigyan ng bagong kahulugan ng The Promise of Forever ang WALANG HANGGAN.

Imbes na maging susi sa masayang pagmamahalan, ito ang magiging hadlang upang makamtan ng dalawang taong itinakda ang inaasam-asam nilang buhay at pag-ibig.

Kilalanin si Nicolas (Paulo Avelino), ang tinaguriang ‘immortal man’.

Sa pamumuhay niya sa mundo nang mag-isa, marami siyang makikilala.

Isa na rito si Sophia (Ritz Azul), ang batang iniligtas niya mula sa isang sunog.

Gagamitin ni Sophia na inspirasyon ang lala­king nagligtas sa kanya upang magsikap at bigyan ng maayos na kinabukasan ang pamilya.

Matapos ang mara­ming taon, magkukrus muli ang landas ng dalawa sa cruise ship.

Pipilitin ng dalagang kilalanin si Nicolas. Aalamin ni Sophia kung si Nicolas nga ba ang lalaking nagligtas sa kanya.

Mahuhulog ang loob nila sa isa’t isa.