Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Isipin ang peligro ‘wag puro kita

0 314

Sunud-sunod ang pag-aresto ng mga awtoridad sa mga kababayan nating walang paki sa kumakalat na virus.

Ilang araw nang may nahuhuli ang mga awtoridad na mga nag-iinuman sa mga bar.

Pinakahuli ay ang halos 100 kataong inaresto sa isang bar Quezon City dahil sa pag-iinuman.

Nakakalungkot na dahil sa pagnanais na kumita ay inilalagay ng mga negosyante sa peligro ang buhay ng kanilang mga customer.

Sana naman ay matauhan ang mga negosyante. Huwag puro pera ang nasa isip.

Alam kong bagsak na kaya dahil sa pandemya pero isipin nyo rin ang perwisyong idudulot sakaling sa mga negosyo n’yo magmumula ang virus.

***
NATAWA naman ako sa pahayag kamakailan ng isang kongresista laban na sa isang nag-aambisyong maging lider bawal ang nakatunganga.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Aray ko! Alam kong may pinatutungkulan si Capiz Congressman Fredenil sa kanyang binitiwang salita.

Sabagay mabigat na responsibilidad talaga ang pagiging leader lalo na bilang House Speaker na mainit na isyu ngayon dahil mukhang hindi magkakatuluyan ang naunang kasunduang term sharing.

Totoo namang hindi biro ang trabaho ng Speaker ng Kamara. Hindi ito isang prestihiyosong posisyon na titulo lamang. Ang Speaker ang mangunguna at gagabay sa mga kasama niya para maisabatas ang mga priority bills ng Pangulo.

Kaya dapat ay epektibo at masipag ito na kayang balansehin ang iba’t ibang interes ng halos 300 mga kinatawan ng Kongreso habang tinitiyak na ang mayorya ay pabor sa legislative agenda ng Malacanang.

Higit sa lahat, bilang Speaker, dapat ay mataas ang respeto sa iyo ng mga kapwa mo kongresista.

Kaya dapat din ay bigatin ang track record at experience ng isang Speaker para siya ay galangin ng kanyang mga kasama sa Kongreso.

Ang tanong ngayon ng karamihan? Dapat bang hayaan ng mga mambabatas na maipasa ni House Speaker Alan Peter Cayetano kay Marinduque Cong. Lord Allan Velasco ang pamumuno gayung hindi ito nakitaan ng pagpupursigeng pamunuan ang Kamara?

Sinayang kasi ni Velasco ang ibinigay na pagkakataon dati ni Cayetano na maging deputy speaker. Eh ‘di dapat ay naramdaman na ang presensya nito at nakitaan ng kakayahang maging lider.

Leave A Reply

Your email address will not be published.