Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Isko, Alan sanib-puwersa lumutang

0 395

May posibilidad na magsanib-puwersa umano sina Manila Mayor Isko Moreno at Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano para sa 2022 national elections.

Ito’y matapos na aminin ni Cayetano na bumisita sa kanya ang alkalde ngunit wala naman umanong namagitang seryosong usapan ang kanilang pagkikita sa halip kuwentuhan at kumustahan lamang.

“Sabi niya (Isko) gusto niya magkuwentuhan, bisita. So bumisita lang but it was nothing more than that,” ayon kay Cayetano.

Ang pagkikita ng dalawa na pawang lumulutang ang pangalan na tatakbong pangulo sa 2022 elections ay pinaniniwalaan ng ilan na indikasyon ng posibleng pagsasanib para sa darating na halalan.

Gayunpaman, nilinaw ni Cayetano na sa ngayon ay hindi pa siya handa para mangako at makikipag-alyanya o sanib-puwersa sa ibang partidong political.

“I’m not ready to ano, make firm commitments and political alliances na kung sinong presidente at vice president,” ani Cayetano. (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.