Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Isko ayaw magpakaipokrito kay Toni

0 346

NI: ARCHIE LIAO

Hindi pa man nagdedeklara si Isko Moreno,marami na ang nagsasabing strong contender siya sa posisyon ng pagkapangulo next year.

Sa panayam ni Toni Gonzaga sa kanyang vlog na Toni Talks, wala man siyang direktang inamin, hindi naman siya nagpakaipokrito.

Aniya, lahat daw naman ng politiko sa oras na masalang ang isang paa sa political arena ay tinatarget ang pinakamataas na posisyon sa bansa.

Hirit pa niya, sa edad na 50 ay gusto na rin daw niyang magretiro sana dahil pakiramdam niya ay matagal na ang inilagi niya sa politika.

Muli rin siyang nagbalik-tanaw sa kanyang karanasan sa showbiz na naging stepping stone niya para makilala siya.

Ani Yorme, kumikita na raw siya noon ng may ‘6 digits’ sa pagiging isang ‘Seiko Baby’.

Para sa kanya, wala naman umano siyang nakikitang mali sa kanyang pinasok na pagpapa-sexy noon .

“What’s wrong with that? “Wala naman akong pinerwisyong kapwa ko, basta ako, trabaho,” paliwanag niya.

Inamin din niyang nabago ang kanyang buhay nang madiskubre siya sa isang burol na nagbukas ng pintuan sa mga bagong oportunidad para sa kanya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.