Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Isko binawal rally ng mga estudyante vs BBM

0 58

Hindi papayagan ni Mayor Isko Moreno na magamit sa anumang aktibidad na may kinalaman sa politika ang mga estudyante ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) at Universidad De Manila (UDM) kaugnay sa panalo ni presumptive president Ferdinand `Bongbong’ Marcos Jr.

Ito ang tiniyak ng alkalde sa mga magulang ng mga estudyante mula sa dalawang unibersidad na nasa ilalim ng pangangasiwa ng pamahalaang lungsod.

Binigyang-diin ni Moreno na kapakanan ng mga estudyante ang inaalala ng pamahalaang lungsod.

Sinabi ni Moreno na binigyan niya ng direktiba ang mga pinuno ng PLM at UDM na pagtuunan ang pagbibigay ng pinakamahusay na edukasyon para sa kanilang mga estudyante.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Sa mga magulang na nag-aaral ang kanilang anak sa PLM at UDM, pumanatag kayo. Ako po ay nag-abiso na, na hindi puwede basta-basta sumama sa kaguluhan na binabalak ng iilan… `yong mga pinaplano nila,” ayon kay Moreno.

Sinabi pa ni Moreno na dapat ng mag-move on at suportahan ang susunod na administrasyon at kinakailangan aniyang magtulungan ang lahat.

Una nang naglabas ng kautusan si Moreno na kinakailangang magkaroon muna ng permit para sa lahat ng gustong mag-rally sa Maynila matapos itong mag-concede at nakiusap sa kanyang mga tagasuporta na huwag nang makisali sa mga kilos protesta. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.