Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Isko binayaran na AstraZeneca ng P38M

0 56

Nagbigay na ng advance payment na P38 milyon ang lokal na pamahalaan ng Maynila para sa 800,000 dose ng bakuna na gawa ng AstraZeneca para maturukan ang nasa 400,000 katao na bibigyan ng tig-dalawang dose nito.

“Tiyak na na nakasisiguro na tayo, kasi sa kontrata, maaaring may katiyakan pero ang initial payment ay nakapagbibigay ng kapanatagan ng kalooban para sa mamayang taga-lungsod na may darating nang mga bakuna sa Maynila,” pahayag ni Mayor Isko Moreno.

Sinabi ni Moreno naninaasahan ang pagdating ng mga bakuna ng AstraZeneca sa pagitan ng Abril hanggang Setyembre ngayon taon.

Nilinaw din ni Moreno na ang nabanggit na halaga ay kumakatawan sa 20% advance payment nila.(Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.