Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Isko bumili pa ng 2K Remdesivir vials

0 88

Bumili pa si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” ng panibagong 2,000 Remdesivir vials para mas mapaigting ang paglaban sa COVID-19.

Nalaman kay Moreno ang 1,000 vials ay naibigay na sa lokal na pamahalaan ng Maynila habang ang nalalabing 1,000 vials ay nakatakda pa lamamg ideliber.

Ang pagbili ng karagdagang Remdesivir ay matapos na ipabatid ng mga district hospital directors at city health officials na ang gamot ay epektibo bilang medical treatment sa COVID 19 positive patients.

“Yun ang importante sa akin, makatulong mag-survive ang patients. If they are surviving, then we are on the right track in helping as many as possible to survive,” ayon kay Moreno.

Inatasan rin ni Moreno ang mga local government hospital directors na magbigay ng tulong sa ibang hospital partikular na sa private hospitals at national government hospitals kung kakailanganin nila ng Remdesivir vials.

“Help as many lives as possible. Tumulong tayong bumuhay ng tao, let us extend our hand because we are talking about life saving,”ayon lay Moreno.

“I am after to the lives that we can save. Iyon ang logic ng ating approach sa COVID-19, universal approach,” dagdag pa ni Moreno. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.