Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Isko ‘di priority budget sa Manila Bay makeover

0 65

Sa kabila ng pasasalamat ni Manila Mayor Isko Moreno sa rehabilitasyon ng Manila Bay, tiniyak nito na hindi siya gagastos ng pondo para sa white sand make-over nito.

Hindi umano prayoridad ng alkalde ang nasabing proyekto dahil sa pandemic. Ang pera umano ng lungsod ay gagastusin niya sa pagbili ng gamot at equipment para sa mga pasyente ng COVID-19.

Gayunman, sinabi ni Moreno na magandang atraksiyon para sa mga investor ang rehabilitasyon ng Manila Bay maaaring magtayo ng hotel at restaurant sa lugar. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.