Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Isko, Dok Willie dismayado sa COVID response

0 132

Sisiguraduhin ng tambalang Mayor Isko Moreno at Dr. Willie Ong ang pagpapabuti sa kalagayan ng mga ospital, kasama na rito ang pag-upgrade ng mga pasilidad at panukalang gawing mas abot-kayang serbisyong medikal para sa lahat ng mamamayan.

Ito ang layunin ni Ong matapos na bisitahin ang San Miguel District Hospital kung saan ay lalong napagtibay ang kanyang naisin na iangat ang serbisyong medikal na nararapat para sa mga Pilipino.

SM food to go Banner Ad

Dahil dito tiniyak ni Ong na sa sandaling sila ay maluklok ni Yorme ay maaaring ipahawak din sa kanya ang Department of Health (DOH) upang maibahagi ang kanyang kaalaman at karanasan bilang bilang doktor na nauunawaan kung paano maibibigay ang sapat at tamang serbisyong pangkalusugan para sa mga mamamayan.

Aminado si Ong na hindi tagumpay ang ating pamahalaan sa pagtugon sa isyu ng COVID-19 kung kaya’t higit itong bibigyang pansin ng kanilang tambalan upang makaungos ang bansa sa pandemya at tuluyang makabawi ang ekonomiya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.