Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Isko-Grace tandem ‘di matitibag

0 167

Mahilig din pala magpalipad ng lobo itong si Buhay Party-list Rep. Lito Atienza.

Sinasabi ko ito dahil mukhang pinalutang lamang ng kongresista ang posibleng tambalan nina Sen. Manny Pacquiao at Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso.

Tulad ng kanyang Hawaiian shirt, mabulaklak din magsalita itong si cong as in bihasa ito sa mga boladas sa Kamara de Representante, lalo na sa takbo ng politika sa bansa.

Aba’y bigla ba naman kasing naisip na pagtambalin sina Pacquiao at Moreno at sinabi pang ‘dream match’ kapag nagkatuluyan ang dalawa dahil geographically, malakas ang Pambansang Kamao sa Mindanao at sa Luzon naman si yorme.

Sabi pa ni congressman, hindi naman daw niya nakausap alinman kina Pacquiao at Moreno kundi naririnig lamang niya ang ganitong kombinasyon. Naging tsismoso na pala ang dating alkalde ng Maynila.

SM food to go Banner Ad

Isa si Mayor Isko sa malakas na karibal ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio. Gusto ng mga kalaban ni yorme na panghinaan siya ng loob at hindi na tumakbo sa pagkapangulo.

Kaya naman nakapagtataka na bigla-bigla, inilutang ni Cong. Atienza ang kombinasyong Pacquiao-Moreno. May nag-utos ba sa kanya na guluhin ang momentum ni yorme at sabihing pang-vice president lamang ito?

May taga-Davao ba na bumisita sa haybol ni cong para sirain ang diskarte ni yorme? Nagtatanong lang naman po tayo dahil alam nyo naman nangangamoy politika na kahit Hulyo pa lang. May pagkakataon si congressman na muling tumakbong alkalde ng Maynila sa napipintong pagtakbo ni Mayor Isko sa mas mataas na puwesto sa darating na halalan.

Imposibleng tumakbong bise presidente si Mayor Isko dahil na rin sa kanyang magandang performance sa Maynila lalo na sa COVID response nito. Kahit na ang mga informal settler na dating residente ng Maynila na pinalipat sa Cavite, hindi nito pinababayaan.

Marami ang nagsasabing selyado na ang tambalang Isko at Grace kaya pilit itong ginigiba para magkaroon ng tyansa ang mga kalaban sa 2022 presidential at vice presidential elections.

Ngayon pa lang, takot at nanginginig na ang mga kalaban ng Isko-Grace tandem kaya iniintriga ang tambalan ng dalawa sa darating na halalan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.