Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Isko handang mapaturok ng Sinovac vaccine

0 52

Nakahanda umano si Manila Mayor Isko Moreno na magpaturok ng Sinovac vaccine sa sandaling dumating ito sa bansa.

Kasunod ito ng pagbibigay ng Food and Drug Administration (FDA) ng Emergency Use Authorization (EUA) sa nasabing bakuna.

Aniya, “Anuman ang bakuna, basta sertipikado at may EUA ng FDA, gagamitin natin. May karapatan kayong maging choosy. Pwede kayo maghintay ng bakunang type ninyo. Pero para sa akin, basta may EUA gagamitin po natin.”

Nabatid na bibili ang Department of Health (DOH) ng 50,000 dose ng bakuna sa Sinovac gamit ang kanilang savings.

Ito ay kasama sa 600,000 dose ng Sinovac vaccine na donasyon ng Beijing sa Pilipinas. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.