Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Isko ikakasa lockdown kapag sumipa Delta variant

0 125

Naghahanda na ang lokal na pamahalaan ng Maynila sa posibleng implementasyon ng lockdown dahil sa pagtaaa ng kaso ng COVOD-19 Delta variant sa bansa.

Ito ang kinumpirma ni Mayor Isko Moreno matapos na magpatawag ng emergency meeting sa pagitan ni Vice Mayor Honey Lacuna at mga opisyal ng Manila Health Department.

Inatasan na rin ni Moreno ang Manila Disaster and Risk Reduction Management Office, Barangay Bureau at ang Manila Police District (MPD) na alertuhin ang kanipang puwersa sa sandaling magpatupad ng granular lockdown.

Nakipag-ugnayan na rin si Moreno sa mga director ng anim na district hospital sa lungsod sa sandaling magkaroon ng panibagong pagsirit ng mga kaso ng COVID-19.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Ayaw na nating marinig na may mga namatay sa parking lot dahil wala nang space sa ospital. Grabeng dagdag pasakit `yon,” ani Moreno.

“Kaya ngayon na may Delta variant, it’s a good thing that we have a facility that can serve the public. Welcome po ang lahat dito,” dagdag ng alkalde na ang tinutukoy ay ang bagong gawa na Manla COVID-19 Field Hospital.

Samantala, hanggang alas-12:00 ng tanghali nitong Miyerkoles ay naitala umano sa Maynila ang 642 aktibong kaso at 66,582 nakarekober sa COVID.(Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.