Abante Tonite Interactive

Isko inulan ng death threat

1,645

Tadtad na ng ‘death threat’ si Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso matapos ang ginagawang pagsusumikap para maisaayos ang lungsod ng Maynila.

Ayon kay Third District Councilor Manuel ‘Letlet’ Zarcal na malapit na kaibigan ni Moreno, na ang mga pagbabanta ay nanggagaling sa iba’t ibang sources na malamang na nasagasaan ni Moreno sa pagtupad ng kanyang tungkulin.

Halos dalawang linggo pa lamang ng magsimulang manungkulan si Moreno bilang alkalde ng Maynila.

Abante Hiring – IT dep

Gayunman, sinabi ni Zarcal na balewala naman sa alkalde ang mga pagbabanta.

“Sabi ni mayor, ha-zards of the job daw ‘yun and only meant to derail his efforts to rid the city of illegal vendors and syndicated, ‘organized’ vending schemes,” ayon kay Zarcal.

Una nang inaalok si Moreno ng limang milyon kada araw para lamang payagan ang pananatili ng mga vendors sa kalsada.

Ang mga naalis na vendor ay patuloy na lumalapit lay Moreno sa pamamagitan ng kanilang mga koneksiyon na umaasang magbabago pa ang isip nito.

Paulit ulit na sinasabi ni Moreno na desidido siyang linisin ang Divisoria, Recto, Ylaya, Juan Luna, Soler, Carmen Planas, Tabora, Asuncion, Villalobos, Carriedo, C. Palanca, Ronquillo, Raon at Evangelista laban sa mga vendor.

Tumanggi naman si Zarcal idetalye ang posibleng pinanggagali-ngan ng mga banta sa buhay ni Moreno. (J­uliet de L­ozaCudia)